Apatnapung araw na challenge

  1. Aminin, aminin, aminin. Patatawarin ka niya... Babaguhin ng Diyos ang ating buhay.

  2. Patuloy mong gawin ang mga tuntunin bawat araw, lalo na ang pag-amin. Huwag na huwag kang titigil.

  3. Basahin ang card araw-araw sa loob ng apatnapung araw, at bawat araw ay itanong mo sa Diyos kung ano ang gusto Niyang gawin mo rito. Kaibigan ko, basahin din ang talata ngayong araw na nasa kahon sa ibaba. Iyan ang Apatnapung araw na challenge: simple pero makapangyarihan sa mga kamay ng Diyos. Subukan mo, hindi ka magsisisi!

Talata ngayong araw

  1. 1 Juan 1:9

    Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  2. Lucas 18:13

    Datapuwa't ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa malayo, ay ayaw na itingin man lamang ang kaniyang mga mata sa langit, kundi dinadagukan ang kaniyang dibdib, na sinasabi, Dios, ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  3. Mga Awit 51:1

    Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  4. Mga Awit 32:5

    Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, at ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli: aking sinabi, aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; at iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  5. Mga Kawikaan 28:13

    Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  6. Mga Hebreo 4:16

    Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  7. Mga Panaghoy 3:22-23

    Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  8. Mateo 28:20

    Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  9. Juan 14:3

    At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  10. 1 Timoteo 2:1

    Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  11. Mga Awit 103:12

    Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  12. Mikas 7:18-19

    Sino ang Dios na gaya mo, na nagpapatawad ng kasamaan, at pinalalagpas ang pagsalansang ng nalabi sa kaniyang mana? hindi niya pinipigil ang kaniyang galit ng magpakailan man, sapagka't siya'y nalulugod sa kagandahang-loob. Siya'y muling magtataglay ng habag sa atin; kaniyang yayapakan ang ating kasamaan: at kaniyang ihahagis ang lahat nilang kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  13. Isaias 1:18

    Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa,

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  14. 1 Juan 2:1

    Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  15. Mga Awit 130:3-4

    Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo? Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  16. Mga Awit 139:23-24

    Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip: At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin, at patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  17. Santiago 5:16

    Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  18. Mga Efeso 4:32

    At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  19. Mateo 5:7

    Mapapalad ang mga mahabagin: sapagka't sila'y kahahabagan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  20. Lucas 6:36

    Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  21. Tito 3:5

    Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo,

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  22. Mga Efeso 2:4-5

    Nguni't ang Dios, palibhasa'y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin, Bagama't tayo'y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, tayo'y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo'y nangaligtas),

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  23. Mga Awit 86:5

    Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  24. Mikas 6:8

    Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  25. Mateo 5:44

    Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  26. Mga Taga-Filipos 4:6-7

    Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  27. Mga Taga-Colosas 4:2

    Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat;

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  28. 1 Mga Taga-Tesalonica 5:17

    Magsipanalangin kayong walang patid;

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  29. Mga Taga-Galacia 6:9

    At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  30. Lucas 9:23

    At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  31. Mga Awit 32:8

    Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran: papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  32. Mga Kawikaan 3:5-6

    Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  33. Josue 1:9

    Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  34. Mga Hebreo 13:5

    Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  35. Mateo 11:28-29

    Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  36. Mga Taga-Colosas 3:23

    Anomang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  37. Mga Taga-Filipos 1:6

    Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  38. 1 Juan 5:13

    Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  39. Mga Romano 8:38-39

    Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›
  40. Juan 10:28

    At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.

    Ang Dating Biblia (1905)

    Magbasa pa sa Knowing-Jesus.com ›

Tanggapin ang 40 araw na challenge! Simple lang ito: i-print ang card at ilagay sa lugar na makikita mo ito araw-araw, at basahin ito anumang oras na kaya mo, kahit isang beses man lang bawat araw. Ang apatnapung araw ay hindi pagsusulit. Walang anuman dito ang kailangang paghirapan para makamit — ginawa ka ng Diyos na anak Niya nang hilingin mo sa Kanya na dalhin ka sa Kanyang tahanan. Ang apatnapung araw ay apatnapung araw lamang ng pagbabasa ng card at pagtatanong sa Diyos kung ano ang gusto Niyang gawin mo rito: “Panginoong Jesus, ano ang gusto Mong gawin ko sa card na ito? Tulungan Mo akong gawin ito.” Bawat araw ay may bagong talata para sa araw na iyon. Basahin ang talata. Gawin ang mga tuntunin. Kung may araw na nalaktawan mo, wala kang kailangang habulin — magsimula ulit mula sa araw na huli mo itong binasa. Halimbawa: binasa mo ito araw-araw sa loob ng 4 na araw at nakalimutan mo nang 2 araw — magsimula ka lang ulit magbasa mula sa ika-5 araw at ituloy ang pagbabasa hanggang matapos mo ang 40 araw. Sa ikaapatnapung araw, walang natatapos: itanong mo sa Diyos kung gusto Niyang ituloy mo ang pagbabasa nito araw-araw.

I-download ang apatnapung araw na challenge (PDF) ›

Kung magpi-print ka ng mga card para ipamigay, huwag na huwag mong ibibigay ang huli mong card — magtabi ng isang kopya sakaling sabihin ng Panginoon na gumawa ka pa.

Ang naka-print na card, harap.Ang naka-print na card, likod.

I-print ang card

https://www.3r4l.club/tl/